Search This Blog

Tuesday, October 5, 2010

"ANG TULA PARA SA TULA"

nakakapagod rin pala gumawa ng tula,
kapag wala ka ng maisip ay napapatunganga,
di malaman kung panu mag sisimula,
nakakawalang ganang tumingin sa wala.

ang pagtutugma ay di rin biro,
kailangan mag isip kahit nakakahilo,
paghahanap ng salita sa inyong ulo,
ay di madali dahilkung minsan ay blangko.

kailangan din mag ingat baka bilang ay sumobra,
dapat tamang-tama lang ng di masira ang obra,
ang pag kakahati ay dapat lang nasa tama,
para kapag binasa'y maging kahanga-hanga.

kailangan sa paggawa ng pangungusap ay mag ingat,
para dila ng magbabasa'y di nila makagat,
kailangan maintindihan ang bawat salita,
ng di sa magbabasa ay mapahiya.

ang tamang baybay ay dapat pagkaingatan,
para ang magbabasa'y di ka pagtawanan,
kaya piliin ang salitang madaling tandaan,
at kaya ng magbabasa na maintindihan.

pwede rin gumawa ng tulang wala sa tugma,
kung walang magkasing tungo na salita,
bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo,
kung kulang naman ang laman ng iyong diksyunaryo.

basta ang tula ay dapat galing sa puso,
o kung anu ang nararamdaman mo,
kailangan may pinaghuhugutan ka nito,
para kapag binasa ika'y makukuntento.









(thank you ma'am jo sa idea..haha..pakasal kana!!..woot)






//peaceANDlove//