Search This Blog

Tuesday, July 19, 2011

The reason

anong gagawin mo?
kung 20 years na nabuhay ka sa mundo,
walang kang ginawang tama,
at lagi kang kinakawawa.

anong gagawin mo?
kung walang tiwala sayo ang magulang mo,
na syang dapat sumuporta sayo,
pero ibinababa ka at tingin sayo'y gago.

mahirap mabuhay sa mundong ito,
mas pinahirap pa ng sitwasyong ganito,
anu ba ang dapat gawin ko?
haharapin ko ba o tatalikod na lang ako?

benteng taon ako naghirap,
konting konti lang ang sarap,
ang haba na ng pasensya ko,
di ko alam kung malapit na ako sa dulo.

madaming pasakit na dumaan,
di ko alam  kung pano ko nakayanan,
sabi nila lahat my katapusan,
eto kayang sa akin kelan?

nabuhay ako sa buhay na istrikto,
bawat galaw ay dapat de numero,
lahat ng gagawin ay dapat perpekto,
walang lugar sa mga pagkakamali mo.

madaming naiinggit sa buhay ko,
mga taong di alam kung anu ang totoo,
kaya sinasabi ko "magpalit kaya tayo?"
"nang makuha mo ang hinahanap mo!"

minsan napupuno na ako,
at nag babalak tumakbo,
pero dahil sa respeto,
di ko maisagawa ang plano.

ang hirap ng buhay kong ito,
kaya nagiging saltikin na ako,
pabago-bago na ang aking mood,
di malaman kung anu ang susunod.

marami tuloy  ang di makaintindi,
nagagalit na sila saking ng matindi,
kaya ako'y kanilang iniiwan,
konti lng ang tunay kong kaibigan.

kung binigyan nila ako ng pagkakataon na makilala,
hindi sana sila magagalit at magtataka,
hindi sana tingin nila saki'y masama,
hindi sana ako ngayon kawawa.

ang paghihirap ko hangad ko nang magwakas,
di ko alam kung kelan di cgurado ang bukas,
pinipilit kong itama ang sarili ko,
sana sa madaling panahon ako ay magbago. . . . 



//peaceANDlove//

1 comment: